|
TANGGAPAN NG KALIHIM NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD
|
|
Ang Tanggapan ng Kalihim sa Sangguniang Panlungsod ay binubuo ng Kalihim at kawaning responsable sa pagbibigay ng mga serbisyong teknikal at pampangasiwaan na kinakailangan sa gawaing pambatas. Pinamumunuan ito ng Kalihim ng Sanggunian na itinalaga ng Bise Alkalde ng Lungsod. Sa ideyal, ang Kalihim ng Sanggunian ay gumaganap bilang isang tagapamahala ng pangkat ng mga teknikal at pampangasiwaang kawani; sa ilalim ng kanyang pagsubaybay, ay naglalaan ng maagap at naangkop na suporta upang matulungan ang mga miyembro ng Sanggunian sa pagganap ng napakarami nitong tungkulin.
Dahil dito, hindi maisasakatuparan ng Sangguniang Panlungsod ang pagtugon sa mga suliranin ng mga mamamayan ng yunit ng pamahalaang lokal (LGU); pagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan at pag-unlad ng LGU at ang mga mamamayan nito; at pagkamit ng bisyon ng LGU para sa mga mamamayan nito, kung wala ang suportang serbisyo ng mga nagtatrabahong kawani ng Tanggapan ng Kalihim, na isang mahalagang kasangkapan para sa pagkakaroon ng mabisang batas lokal.
Bilang isang institusyong inatasang magsagawa ng pampublikong mandato, kailangang mayroong malinaw na pag-unawa sa bisyon at misyon ng tanggapan ang mga kawani nito. Gayundin, kailangang ang trabaho ay ginagabayan ng malinaw na proseso na naglalarawan sa mga tungkulin ng iba't ibang manggagawa sa bawat yugto o bahagi ng paggawa.
|
|
|
|
DR. VOLTAIRE F. PORTUGUEZ |
|
|
|
MANDATO
|
|
Namamahala sa Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod, sa Mga Arkibo at Rekord, at sa Tanggapan ng Pampublikong Aklatan ng Lungsod. Napakahalaga ng Kalihim ng Lungsod sapagkat inirerekord niya ang mga paglilitis ng kagawaran ng Sangguniang Panlungsod na nagbibigay ng bisa sa pagkilos at gawain ng huli; maging sa mga ordinansa, resolusyon, pagsang-ayon, atbp. Ang mga ito ay mahalaga sa pangkalahatang pagpapatakbo ng bawat yunit ng pamahalaang lokal. Bukod sa pagiging tagapangalaga ng mga rekord at arkibo at bilang tagapangalaga ng aklatan, ang Kalihim ng Lungsod ay siyang liaison officer o tagapag-ugnay sa pagitan ng Sangguninag Panlungsod at Punong Ehekutibong Opisyal ng Pamahalaang Lokal.
|
|
|
|
|
BISYON
|
|
Lungsod Pasay – makakalikasang lungsod – may maunlad na komunidad na pinananahanan ng mga mamamayan na may maginhawa, panatag at matuwid na pamumuhay; may progresibong ekonomiya; modernong imprastrakturang nagpepreserba ng likas na yaman ng kapaligiran; balanseng ekolohiya; at maayos na mga institusyon na naayon sa makatarungang pamunuan.
|
|
|
|
MISYON
|
|
Sa paglalakbay ng lungsod upang makamit ang bisyon nito, ang mga pangunahing hakbang ay gagabayan ng mga sumusunod na prinsipyo:
Ang makabuo ng organisasyong naglalayong gawing makakalikasang lungsod ang pasay habang tumatalima sa mga angkop na batas lokal at pambansa. Sa pagsisikap na maisakatuparan ang pangmatagalang bisyon ng isang makakalikasang lungsod, palagiang prayoridad ang pinagsama-samang komitment ng lahat ng sektor na pahusayin ang pamantayan ng pamumuhay ng mga pasayeño, at paunlarin ang paghahatid ng mga serbisyong magpapabuti ng mga komunidad. Sa pagpupunyaging ito, magtatakda ng mga pamantayan nang magkaroon ng lubos na kaalaman ang mga lingkod bayan sa pangangailangan ng mga stakeholder; samantalang ang huli, sa pagkamit ng kamalayan, ay nagkakaisa sa kanilang pagsuporta sa mga programa ng lungsod.
|
|
|
|
|
PANKSYONAL NA PAHAYAG
|
|
- 1. Dumalo sa mga pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod at panatilihin ang mga rekord ng paglilitis nito.
- 2. Pag-iingat ng Selyo ng Yunit ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Pasay
- 3. Irekord sa isang aklat na iingatan para sa naturang layunin, ang lahat ng mga pinagtibay at ipinasang ordinansa at resolusyon ng Sangguniang Panlungsod, kasama ang mga kaukulang petsa ng pagpasa at pagkalathala nito.
- 4. Pangangalaga sa Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod, at sa opisyal na oras ng trabaho, pagtitiyak na bukas sa humihiling na mamamayan ang mga rekord na hindi pribado.
- 5. Kapag hiniling ng sinumang interesadong partido at nakapagbayad na sa Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Lungsod ng mga kaukulang bayarin batay sa itinakda ng ordinansa, ay nagbibigay ng mga sertipikadong kopya ng mga rekord ng pampublikong karakter na nasa pangangalaga ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod.
- 6. Pagka-aproba, isalin kaagad sa diyalektong ginagamit ng karamihan ng mga naninirahan, ang lahat ng mga ordinansa at resolusyon.
- 7. Pagka-aproba, agad na pagpapalathala ng lahat ng mga ordinansa at resolusyon na isinalin sa diyalekto kasama ang orihinal na bersyon nito.
- 8. Pangangalaga ng kustodiya ng mga arkibong lokal at Lokal na Aklatan at taunang pag-aakawnt ng mga ito.
- 9. Magpaganap ng iba pang kapangyarihan at isagawa ang iba pang mga tungkulin at gawain na maaaring itakda ng batas o ordinansa kaugnay sa posisyon ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod.
|
|
|